Madalas ba kayong magkaroon ng tinatawag na "realizations"
o ung bigla na lang kayong napapaisip at biglang napapaagree rin sa
iba't ibang bagay na hindi niyo alam dati pa pero how you have
dead-wished that you should have realized it before?? Ako meron
akong naalala, ngayong summer vacation lang at na-realize ko 'tong
dalawang 'realizations' sa loob lamang ng isang araw. Nang
nagpagupit ako sa isang barbero ako'y biglang sinabihan na ikinagulat
ko nang matapos niya akong gupitan at ito ang sinabi niya na naging
marka na sa utak ko: "Boss, hot-oil para maging POGI!!!"
Anak ng patola, na-realize ko na hindi pala ako POGI sa mga nabanggit
niya so that's a realization and how I've dead wished that I should
have realized it long before na CUTE pala ako at hindi POGI kasi ang
alam ko lang eh POGI ako, salamat barbero!! Sa pareho ring araw,
na-realize ko na "tumatanda" na pala ako, kasi sa dyip na sinakyan ko
habang pauwi na ako sa bahay, may babae sa tabi ko na sa tingin ko'y
nasa 25 anyos na ang nagpaabot ng pamasahe sa 'kin at ito ang sinabi
niya habang pahaplos na sa malinis kong palad ang "dirty" niyang palad:
"KUYA, paabot!!" Takte eh mas mukha pa siyang matanda sa
'kin eh kuya na ang tawag sa 'kin samantalang ang katotohanan ay 16
palang ako (baliktarin niyo ung 6 para hindi halata ng mahihina ang
IQ)!! 'Lang 'ya!! Isa pang realization ko ngayong week lang
ay nang nag mala-ROOM RAIDER ang nanay ko sa kwarto naming mag-utol at
dun ko na-realize na sobra na ang pagka-BATUGAN ko with matching tears
in my eyes habang sinasabi niya ang mga masasakit na katagang ito: 'Kaninong unan 'tong parang SAKO NG BIGAS!!"
Ouch napakasakit kuya Eddie, napaka-BATUGAN ko talaga, matagal-tagal na
rin kasing hindi ko napapalitan ang punda ng aking unan at ang masaklap
pa dun ay ang taba-taba pa ng unan na pang-yakap ko kaya napagkamalang
SAKO NG BIGAS dahil naninilaw na amp!! Grabe kailangan na ngang magbago
itong lolo niyo! Pwede rin kayong magkaroon ng 'realizations' na
handog ng mga lyrics ng mga kantang madalas niyong pinapakinggan at
kahit ano pang genre 'yan kahit ung kay Jimboy man. Katulad sa
kantang "Come What May" ng Air Supply na madalas kong kinakanta sa sing-along at may lyrics dun na, "Come what may she loves me and that love has helped me open that door wohoor MAKING ME LOVE MYSELF A LITTLE MORE.
"
'Yang all-caps na lyrics na 'yan ay isa ring example ng 'realization'
kasi isipin niyo kung may jowa na kayo di ba you will just love
yourself a little more? Kaya na-realize ko bigla na kailangan ko
nang magmadali makahanap ng GF para hindi na umusbong pa lalo 'tong
PRIDE ko na malapit ng maging kasing taas ng "Tower of Babel."
Takte ako rin ay nagtataka kung bakit wala pa rin akong GF ngayon
samantalang ang bait bait ko naman, cute pa (sabi ng barbero), at higit
sa lahat wala naman akong tatoo o t-shirt na may malaking naka-print
na: NO VACANCY!! At muntik ko nang makalimutan na lagi
pang 97 ang score ko sa videoke! Isa pang 'realization' eherm ay
nakita ko si Charlotte Church sa MyX channel kagabi at dati-rati
nakikita ko lang siya sa mga parang mala-opera house na ang himno ng
mga kinakanta niya ay RELIGIOUS (kasi nga naman hindi lang mala-anghel
ang mukha, pati boses din) pero nagulat ako nang ma-realize ko bigla
ung popular saying na, 'Don't Judge the Book by It's Cover' kasi nakita
ko siya sa TV at iba na ang kinakanta niya (from classical to pop),
hindi na ung "The Prayer" at ang title ba naman ng bago niyang trip ay 'Crazy Chik' at ang seductive pa ng attire ng lola, takteng angel 'yan, she has fallen hehe
!! Here's her pic of 180-degree change:

taena ang sexy ng English chik na 'to hehe
On a much serious side of this "realization" thing, bakit ko nga ba ito na-isulat ngayon? Kasi I have one lesson to teach myself and the "lucky" readers who happened to drop by this entry: "You may ONLY realize a negative thing that has happened to you and consider it as a lesson for you not to fall on that same negative thing again in the future, but as much as possible don't ever REMORSE or don't ever feel "guilty" toawards yourself." 'Wag sana nating sabihin HALIMBAWA lamang na: "Ayy sana hindi ko na lang siya minahal!" kahit gaano pa kasakit ang ginawa sa inyo (maging magpatawad tayo katulad ng ginagawa lagi sa atin ng Diyos). Maging remorseful ka lang kapag hindi ka nag-mahal ng taong dapat mong minahal (un natumbok ni Ka Totoy hehe). Eh paano kung halimbawa may nangyari ng so negative sa 'yo at you already had fallen for its pit and never had gained a chance to rise again FOREVER/ALWAYS katulad ng mga 'floaters' ko sa aking mga mata na talagang p*tang inang annoying, ehh 'pag ganyan matuto tayong TANGGAPIN ang mga uncertain things na nangyari na sa 'tin lalo na kapag 'nature' na ang humampas sa 'yo. NOT BECAUSE YOU DON'T DESERVE IT, YOU'LL NOT GET IT!! Get it wahehe?? And the same thing goes with: NOT BECAUSE YOU DESERVE IT, IT'S ALREADY YOURS, YOU HAVE TO GRAB IT!! Sige un lang po may na-realize kasi ako bigla eh, KAILANGAN KO NANG MALIGO hehe! Hope may napulot kayo sa entry na 'to hatid sa inyo ng iyong lingkod hehe! Baboo!
Share
ko lang ang mga laman ng kasalukuyan kong desktop na kasing dumi ng
kama ko hehe *right click niyo na lang at kunin niyo image location
para ma-view nang buo*
:

Posted at 06:52 PM by