Entries for July, 2005


Having Break Without a Kit-Kat

Career is not life.  Fully pursuing a career is stressful.  Is life with stress liveable? fully ha? - rc

Saka na muna MULI ang pinangako kong entry hehe, good trip naman ako ngayon, or so-so pero hindi ako MUSHY (sa sembreak na lang hehe )!!  Well, how's my week?  Whew, I tried so hard to relax a little pero bakit ganon, talagang sobra ang "pressure" sa 'kin ng school, e wala namang quiz pero bakit ako napapabasa?  E dati rati, kahit may quiz pa, sa FX na lang ako nag-rereview.  So even relaxing a little in these times can possibly be remote.  Sa "busy" ko, hindi ko napanood ang nangyari last week sa wrestling on both RAW and Smackdown (pero ngayon napanood ko na hehe).  Gusto niyo malaman kung gaano ako ka-"Pressured"??  Well, ibuklat niyo na lang ang Physics books niyo noong HS kayo, nandun ata ang formula for that wahahaha!!  On a relief side, I tried out in the debate team of JPIA, hindi ko lang maalala kung kailan un, fortunately the result's already in the bulletin board and more fortunately, I got myself in!!  Hahaha !!  That was not a big deal sa totoo lang, mahahati kasi oras ko dito!!  I only tried out kasi may "vacant" kami noong "day" ng try-outs, e ako naman 'tong si walang magawa, tried out 'cause at that moment (believe it or not), I can't help myself but to speak and speak, it was just a need man and I urgently need to express myself out as soon as possible or to let it explode (para poetic hehe) due to the long period of non-blogging days !!  Straight english hehe hindi masyado klaro, parang ganito lang "analogy" diyan e: para ka lang na-jejeBs (kung hindi alam ang kahulugan, visit your tagalog slang dictionary) at kailangan mo 'tong ilabas kaagad.  At un nga nilabas ko 'to sa last floor of the building where the try-outs was held.  So, paano ako nagsalita dun sa harap ng mga "argumentative" judges??  Well ganito ang epic: As I entered that chilling room, I was asked to first register my name on that so informal piece of (sh*t) hehe paper pala.  After the speakers, before I came, had closed their "speech" pinabunot ako ng isang topic sa kamay ng isang debater, when I opened the small paper where the topic is contained, nagulat ako kasi, nakalagay sa papel ang pinaka non-sense na topic na nakita ko in my "entire" earthly life: HANDS-OFF and I was then asked to speak everything and anything about it.  Putakte sabi ko sa sarili ko, "impromptu" pa naman amp, anong sasabihin ko sa non-sense na topic na 'yan??  That was the very first BIG question that entered my still-empty mind!!  Pero siyempre sayang naman ang pagpunta ko dun, nagpakapagod at nagpakahingal ako makaakyat lang sa room na un at kung bigla na lang ako mag-walkout dahil sa kaba at baka wala ring masabi, papahiyain ka lang at tatawanan, ehh sayang naman kaya I managed so hard to remain still!!  Kasama ko pa si Ocampz kaya I can't seriously contemplate on what I'll say, but still pwede ba naman un? Dali-dali kong nilabas ang aking bolpen, at nagsulat ako kaagad sa aking "basang" palad kung ano ang mga serious "points" na pwede kong maipamahagi within 3 min. I think on that non-sense topic.  And my name was called and that was it, a point of no return, or in broad Accounting terms, a freight already in the middle of the sea with a contract of FOB shipping point already agreed upon!!  (Labo hahaha ).  I started my talk with a little introduction on myself, I'm a little aloof at that point, but when I already presented my talk IN PROPER wherein the topic I just picked in random was/must be contained or at least related, 'yan takte hehe pakitang gilas muna hehehe !!  I started it by saying, "The topic is a bit non-sense but the first thing that came into my mind as I was reading ON it is this blah blah blah!!  That goes on..  T*ng 'na kabado ako dun!!  But I still managed to close my talk with a little bang!!  Pero 'di pa dyan natapos ang aking kalbaryo, may SECOND speech pa!!  So un na naman pinabunot na naman ako ng another one, that time ang topic na nakalagay ay: "Mars Ravelo."  Takteng 'yan pahirapan, 'di ko naman 'to kamag-anak o kakilala man lang na maraming pwedeng masabi ukol sa kanya, but 1 thing's for sure that he was the creator of the comics like Darna and Lastikman, so sinumulan ko na, pero niloko-loko ko na lang ang pangalawang speech ko dahil lahat sila'y natawa sa kagaguhan na pinagsasabi ko sa mic hehe, sabi ko kasi bilang 'intro' sa speech ko ay ganito: "I believe Mars Ravelo is the one who created Darna, right??  Because if he wasn't I will just walk myself out of here because of shame!!" Hahahaha, tawanan ang mga seryosong mga judges hehe !!  At pinagsasabi ko pa dun ang "tagong" pantasya ko kay Angel Locsin kaya lalong nagtawanan silang lahat!!  Kaya after I'm done on that debate try-out thing, tinanong ko kaagad ang nag-iisa kong audience na si Ocampz kung ano ang feedback niya sa kagaguhang ginawa ko hehe (kritikal pa naman un hehe) sabi niya ayos pero sabog na raw ako sa second delivery ko.  Well that I admit, sabog at hindi pa seryoso but I made them laugh, so who cares dude hehe??  Kaya pagkatapos dun, I think I did well but to be qualified to that JPIA debate team was really beyond my expectation (like the Acctg quali thing)!!  So getting my a*s on that organanization is quite a relief!  May training na nga kaagad sa lunes, pero may klase ako sa mga oras na un, kaya I'll just tell the group to temporarily spare me out at that first meeting kasi si Valguna ng Finance ang prof ko sa mga oras na un, so there'll be a conflict of schedule!!  Nang nalaman ng iba kong mga kaklase that I was qualified on the debate team, sabi ba naman ng isa, "hindi na ako makikipagusap sa 'yo" hehe, of course that was a clear joke hehe.  It doesn't mean that if you're naturally an argumentative person, you'll have a tendency to provoke others by always disproving their points hehe.  In real mann just wanna share, if there's ONLY one thing that'll answer this simple query: What does it take to be a constructively argumentative individual??  Simple lang, TO BE A GOOD LISTENER and be reasonably quiet at most times..  On that silence, that's where most priceless thoughts flow.  Naka ng tooooots hehe  

[Open letter ko para sa mga "mapipiling" taxi drivers:] I was inspired to write about this because there's one incident that I've just witnessed as I was about to go home.  May isang matanda kasi na pumara ng taxi, tapos nakita kong "umayaw" ang taxi driver dahil siguro masyadong malapit ang destinasyon ng matanda or in whatever reasons which definitely are unreasonable in all angles.  Putcha pala kayo ehhh mga taxi drivers na mapipili!!  Unang-una kahit may karapatan kayong umayaw dahil wala pa kayo sa loob ng kontrata dahil hindi pa nakasakay ang pasahero, mali pa rin yun!!  Bakit??  Simple lang, gusto nang makauwi ng matanda eh kung nagugutom na ang mga apo niya sa bahay dahil may dala siyang "groceries", wala ka bang konsensya at hayaan na lang ang mga apo niya dun na maging katulad ng mga batang taga-Negros na nagkaroon ng famine??  Sa totoo lang nung nakita ko 'yun kahit gaano man kabilis ang mga pangyayaring nasaksihan ko, matagal 'tong tatatak sa utak ko, on that very moment, gusto kong parahin ang taxi na yun at gan'to ang pwede kong masabi sa kanya (in tXt mode):

RC: Mnong drver ng cab, diyan lang me sa nrth frview.
Taxi driver: Brother, ayaw me!!
RC: tang'na bakt mapili ka brother??  E kung sabihin ko sa 'yong ayoko nang sumakay sa taxi mo kasi bglang umalingasaw ung TokPu(putok) u!!
Taxi driver: *sabay amoy sa kili 2x habang pinapakinggan ang tunog sa radyo ng d bodies: Kiliti*
RC: Kitams, e kung mapili rin us katulad u at umyaw us sa taxi mo kc may TokPu(putok) nga you, gu2stuhin mo ba eun??
Taxi driver: *he realized*

Lesson: 'Wag maging mapili ng pasahero except kung "mukhang" goon/holdapper/gang rapist/rebel/failure/pogito/national insecurity na tulad ko !!

--FIN muna antok na ako & for all, relaxxxxzzzzz--  

Posted at 01:24 AM by rcdarang 1 Comment(s)

Academic Burden: Reloaded

Takte nabuburat na ako!!!  Tang'na talaga BAGSAK ako sa Acctg A&B!!!  3 lang ibig sabihin niyan: sadyang pinahirapan ang test o hindi ko talaga INCLINATION ang pag-analyze ng Accounting problems, o dahil sa nakakaburat na professor!!  Sa tingin ko dahil sa huling DALAWA!!!  Una, hindi ko INCLINATION ang Accounting o sa simpleng tagalog terms HINDI 'TO PARA SA AKIN!!  Bakit??  Kasi nag-aral naman ako (ung tama lang pero based on my past experiences medyo sobra na nga eh) pero bakit ganon, BAGSAK pa rin ako!!  Tanggap ko siguro sa sarili ko na kulang ako sa "practice" kahit may dedication!!  Biruin niyo naman naka 56 lang ang highest sa section namin out of 100.5 (may .5 pa na bonus to get), maka 40 ka lang sa klase NAMIN masaya ka na raw, potcha bakit ganon??  40 masaya, ano ba namang klaseng standard 'yan??  Ako halos nasa 40 na pero nakangiti ba ako??  Tignan mo pic ko sa kaliwa, ganyan ako kapanget ahh este kalungkot pala hehe .  Tatawanan ko ba ang mas mababa pa sa 'kin??  SIYEMPRE HINDI, 'di ba?!!  Potcha kung ang standard ng mga iba kong kaklase ang nakakahiyang (assumption) class average namin na 40, average ba 'yan ng kabuuanng kolehiyo ni Velayo (kasusuklaman kayo nun haha)??  Eh may naka-81 pa nga sa ibang section e, mag-rereklamo ba yun kung siya'y nasisiwan??  Ung iba naka 60+, mataas na rin ang naka 70+, mag-rereklamo ba sila sa departamento kung marami silang kaklaseng iniyakan ang test na un??  Kaya wala sa HIRAP ng test 'yan!!  Kaya ang ibig sabihin nga kulang ang INCLINATION ko!!  Sa totoo lang mahirap ang test pero KAYA naman (or fair), sa katunayan nga, may karumal-dumal na 20 items ang nawala sa 'kin kasi na overlook ko at ang iba na mislook pa, amp talaga!!  Kung nakuha ko lang ang 20 na yun edi sana pasado pa 'ko at 'di ako nag-blog and here I am again discontinuing my studies due to lack of motivation dahil sa nakakapanlumo na test na 'yan!!  Ewan ko ba!!  Pangako sa sarili, kung hindi pa bumuti ang pangalawang quiz ko, takte LILIPAT NA AKO at seryoso ako sa Pol Sci ng AB (dahil sa tsiks hehe) at kung tanggapin ako sa BA, dun din (dahil sa tsiks din hehehe)!!  Pangalawa, DAHIL din sa prof!!!  Tang'nang prof 'yan MAGALING SIYA kung sa magaling pero hindi lahat ng magaling sa Accounting magaling din magturo!!  Takte sabi na nga ba ehh, nagkaroon din ng "patukoy" ung entry ko last time ukol sa mga professors ehh!!  Parang ganito lang analogy ko diyan eh: Hindi lahat ng marunong maghugas ng pwet eh kaya na ring hugasan ang pwet ng ibang tao!!!  I know that it really takes more than mere Accounting intelligence to teach a bunch of students who crave to be CPAs someday and will beautify the new college's reputation!!  I repeat it takes more than haaaa!!  I know it's a lot of sacrifice being a professor, but please know thyself as Socrates has implied for years, maybe you haven't realized it yet since students, if not afraid to speak, are just being damn respectful!!  But in line with this, I don't hate (still) that professor, mas naaantig kasi ako sa "kabusilakan" ng loob ng tao kaysa sa kanyang paraan ng pagtuturo!!  Kumbaga wala naman 'yan sa brand ng kotse eh kahit dyip man 'yan basta tumatakbo!!  Naniniwala ako (talaga lang ha hehe ) na kahit wala pang propesor na nakatayo sa harap ko, kayang-kayang intindihin ang lahat ng bagay sa sarili, besides school is just giving us evaluation or more so even a diploma as a requirement for us to enter into the real world!!  School being a "learning" institution LIMITED among college students (ha hehe??) is a surprising misconception!!  Your self is a learning institution already, alam nating na-realize na 'tin un!!  BUT every institution has limitations if not defects and if I talk 'bout myself as a LEARNING institution, having a "failing" grade in that first quiz, admittedly is a symptom of a defect or limitation on my part!!  Hindi kasi ibig sabihin eh na kapag hindi ka umabot sa kolehiyo eh wala ka ng LEARNING institution sa kalooban mo, 'di ba??  Eh ang nanlilimos NATUTONG manlimos patunay lang na hindi lamang pagpasok sa kolehiyo ang mundo ng karera o career!  Kaya manlilimos na lang ako hehe.  Sorry for my parents for I can't joggle both worlds I'd like to enter into, I've wanted to be a writer *ever since the world began* and being a writer doesn't require that "Accounting" in honing the craft I've been frustrated entering!!  My teacher in English said (noong HS pa ako) na talagang "bagay" sa akin ang kumuha ng kursong related sa pagsusulat (kumbaga ito ang aking karera, ito ang aking mahal)!!  Bakit ko pa siya sinuway, ba't pa sinuway kita T. Irma isama ko na rin si T. Leslie??  Kasi hindi ko rin magawang suwayin ang tatay ko na gusto akong maging Accountant (gaya rin niya), kasi alam mo na hehe (labing labing hahaha )!!  Nakakapanghina ang ganitong experience sa pag-aaral (dahil hindi ko pa naranasan 'to), to sum up this entry wala sa kahirapan ng test 'yan at wala rin sa prof (although a very very big factor), kasi hindi ibig sabihin na kapag wala kang sapatos eh hindi ka na makakalakad??  Pero siyempre 'di ba, mas mukha kang tanga kung nakayapak ka??  Kaya if fairy tales are real, how I've wished my fairy na tsik will come to me and offer me "my" wishes, then my first wish will obviously be: "Bigyan mo naman ako ng matinong propesor hehe!!"  Baboooo, hindi na lang ako papasok sa kanya!!  For all, relaxxxxxzzzz ulit hehe!!  

-------------------

Takte Gloria bumaba ka na, takte Noli bumaba ka na rin, e sinong papalit, kung pati si Noli gusto kong pababain??  WALA!  Wala kasi sa susunod na pangulo 'yan!  Ibig sabihin ba 'pag si Kabayan pumalit, hindi mamromroblema ang Amerika dahil marunong siya mag-ingles? Wala rin kasi 'yan sa mababang moral ng pangulo dahil siya'y nakipagusap kay Garci, we're not into a politics of morality rather we're in a politics of simply politics of effective governance, nothing else, and morality is a totally different thing hindi lang issue!!  CBCP is right not to demand for the President's resignation and the only thing to do to oust her or not is through Constitutional means by way of impeachment and that can be hooked to matters of morality!  BUT still, tanong ko sa sarili, ano ang relasyon ng pagtawag ng pangulo kay Garci sa kabuuang debosyon niya sa pamamalakad ng ating bansa??  Wala 'di ba?  Masasabi lang ng iba na panget ang pamamalakad niya lalo na sa mata ng mga investors kasi maraming protesta sa lansangan na uo nga kagagawan nga niya, pero ano nga ba ang dapat protestahin, pagbitiw niya o trabaho niyo??  Kung talagang maraming protesta laban sa kanya, na halos buong sektor kalaban na niya, wala na akong magagawa dun kundi mag-resign na lang siya, dahil baka wala ng naghihintay na trabaho sa 'kin 'pag nagkataon!  Isa pa kay Susan Roces, ang hanghang naman ng mga pinagsasabi mo, parang wala kang pamilya haa!!  Hinay hinay lang madam, gusto mo 'kaw ang pumalit, ULOTS!!

Posted at 01:02 AM by rcdarang 5 Comment(s)

Einstein's Dreams

Tahimik dito sa bahay kasi tulog na silang lahat hehe, let me try to write (may sense na promise hehe) in "peace" where my priceless contemplations about anything else flows .  Lage na lang kasi akong nagsusulat sa maingay na environment at nag-aaral DIN habang ang kapatid kong babae dumadaldal hehe!  Eheermm.  Kapag ganito katahimik ang mundo ko sa ngayon marami akong naiisip na kahit ano, kabalastugan man o hindi, ngayon may naisip na naman ako, naisip ko kasi kung ano kaya ang puwede kong mapanaginipan mamaya sa aking pagtulog.  Minsan kasi ang sarap matulog dahil umaasa kang may "part 2" ang iyong magandang panaginip.  Dreams indeed are self-fulfilling *sometimes*.  Lahat nang hindi mo na-achieve in the past, nag-reregister na lang bigla through our dreams.  'Di ba??  Pero sana mapanaginipan ko ang aking "future" kasi habang nag-brobrowse ako sa net, may nakita na naman akong "philosophical" site na biglang humirit ng isang katanungan na hindi basta basta tanong na lagi nating nasasagot katulad ng "kumain ka na ba?" o "kumusta?"  Talagang katanungan siya na mapapaisip ka, lalo na kapag ika'y nasa estado ng katahimikan which is true to my case hehe!  Ano nga ba ang tanong na 'to which really has stopped MY time.  Bakit "stop my time?"  Samahan niyo ako...

Ito ang tanong from the book "Einstein's Dreams": "If the universe offered you a chance to see your future spread out before you, would you take it? Would you run ahead to a particular place that looked more interesting than where you are now, or would you take your time?"

Takte sabi sa tanong na 'to na ilalatag daw ng kalawakan ang magiging "future" ko at pagkatapos ko makita, pupunta ba ako kaagad sa mas masayang bahagi o I'll just remain still or simply take my time!  Interesting ha.  Mahirap na tanong 'to para sa 'kin kasi ito ang klase ng tanong na hindi basta-basta masasagot nang matino, OK pa ang Accounting, kayang sagutan kahit mahirap, ito mahirap na nga, hindi mo pa alam kung tama o mali ang sagot mo!!  Pero kayang-kaya 'to ng mga contestant sa Miss U hehehe   Hindi ko na 'to pahahabahin pa alam kong bitin na kayo at pati rin ako hehe.

Iba iba ang pwedeng maging sagot sa iba iba ring "circumstances."  It may be circumstance of person, time, or place (ano 'yan Law hehehe).  O sige example sa circumstance of person, kapag sa negosyante 'to tinanong, siyempre uo ang magiging sagot niya (pustahan pa hehe), gusto niya nang makita ang "future" kasi isipin niyo "alam" na niya ang magiging presyo ng mga "stocks" sa stock market BUKAS o sa makalawa, e kung ganitong alam na niya kaagad dahil nga nailatag na ni Kalawakan ang kanyang future, siyempre bibili siya kaagad ng stocks NGAYON na kinabukasa'y tataas para mabenta niya 'to na may tubo!!  'Di ba coolness??

In MY circumstance however, my answer to that question is, I'll just take my time and waive my right to see my future offered to me by our dear "Kalawakan."  Simple lang, e kung makita kong mamatay na ako bukas hehe o kaya nama'y sabihin nating halimbawa BUKAS na rin ang clearance day at malalaman ko na kung survivor ako o debarred at unfortunately makita kong DEBARRED na ako??  Ito ang dapat itanong, hindi 'yang kalokohang tanong na 'yan na may sense (ironic e 'no hehe??)  Bakit??

Kasi time isn't visible!!  Takte present nga hindi klaro eh future pa!!  'Wag niyo akong pilosopohin at sabihin "KLARO" ang iyong present kasi PRESENTLY binabasa mo 'tong blog na 'to!!  Ou binabasa mo nga 'tong blog na 'to pero ung naka all caps na salitang "presently" ay NABASA mo na and that was already part of your past.  Ganyan kabilis mga mare at pare!  Aside from the "impossibility" that you can see the future already kahit totoo man ito ay "makakatulong" kahit papano.  Bakit??  Kasi katulad ng sinabi ko kanina kapag nalaman ko na hal. mamamatay na ako bukas, siyempre gagawin ko ang lahat bago 'ko mamatay at sabihin ko na sa mga magulang ko kung gaano ko sila kamahal at itetext ko ang kaklase ko na tsik at sabihin ko kaaagad sa kanya na may lihim akong pagsinta hehe!  At kung ma-dedebarred na ako bukas, ano ang paliwanag ko dito to sum up these things and finally eliminate ambiguity hehe??

Simple lang, how I'll wish that time will STOP until tomorrow para naman "malasap" ko pa ang LIGAYA or ang sinasabi nilang 'moment' hehe habang hindi pa ako debarred kahit konting sandali hehe.  At that time siguro I'll realize how SLOW time could be.  You could only experience its "slowness" but we must always remember that time does not step backward nor forward but still it MOVES.  Iba ang "step" sa "move" ha hehe.  Kasi ang "step" unnnnn kapag nilatag sa 'yo ang future mo and you probably might step on it but it moves.  Kaya isipin na lang natin that our end maybe probably near and we must stop NOW the time or be at the center of it by all means possible to do whatever we must do.  At para na rin magkaroon ng "logic" ang pinagsasabi ko kasi alam kong malabo pati ako nalalabuan hehe, tulad nang nasabi ko kanina, kalokohan pa 'ring tanong un kahit makakatulong (e kahit PAPANO lang naman ehh).  Kasi kailangan pa ba nating malaman ang "future" natin para kumilos kaagad o (para mas malalim) ma-realize na kaya palang pahintuin ang oras?!?  Hindi kailangang mapanaginipan ang future para kumilos kaagad, we don't rely future infos which definitely are unknown.  Mukha kang tanga hehehe looking at yourself for instance only being a researcher not relying on books from the past but from the future hehe is insane!  With this I would just like to say na come what may...    
 

Posted at 01:48 AM by rcdarang 4 Comment(s)

Tale of Two Nations

Walang naging usapan dito sa bahay NGAYON maliban sa naganap na SONA ng ating pangulo.  Bilang pulitikal na hayup at pilipino, siyempre apektado ako sa nilalaman ng talumpati ni Pangulong Arroyo, lalo na't bilang na lang ang taon at baka magtrabaho na 'ko!!  Buti sana kung may makuha pa akong trabaho pero ako rin ay nangangamba dahil malalim pa rin ang sugat ng ating krisis pultikal at 'di ako "sure" kung hanggang kailan pa 'to gagaling!  Halatang-halata sa talumpati niya na iniwasan niya ang mga "dapat" niyang sabihin, lalo na ang kanyang posisyon sa "impeachment complaint" laban sa kanya.  Bakit ganonCha-Cha o charter change ang sentro ng kanyang talumpati!!  Isa lang masasabi ko diyan: Nandun na ako Madam President na gusto nating lahat "mag-take off" wala talagang problema sa mga magaganda mong plano (na sabi ni Sen. Arroyo na fairy tales daw) para sa ating bansa, lalo na ang ang pag-shift natin mula sa kasalukuyang "form of government" to "Federalism."  Dahil that form is not that ideal and in addition it is theoretically sound!!  Ang Parliamentary form of government din na kabilang sa iyong plano, katulad ng sa neighbor natin: Thailand ay unquestionably astigin at I don't doubt that their Parliamentary form of government contributes much to their rapid economic progress!!  Nandun na ako (siguro nandun na ang karamihan ng mga Pilipino) na dapat tulungan natin ang ating pangulo sa pagbuo SA WAKAS ng one Philippines.  Pero sa talumpati niya kanina, she has this hidden intention to DIVIDE the nation even further by persuading the legislative body to finally run this so-called "Great Debate" on Cha-Cha!!

You can divert the issue but never our attention! - from RC with love.

Takte, how can she make this nation UNITED if she herself has tended to divide it OBVIOUSLY??  Unang-una buti sana if you can please every Filipino people, e ako nga eh, dalawa lang kaming pwede sanang magkaintindihan, nabasted pa ako, e ikaw pa na lumiligaw sa 80 million Filipinos??  Pangalawa, you have just started ripping the Philippines into two when you persuaded the House to pass as soon as possible through a Constituent Assembly 'tong Cha-Cha thing na 'to, samantalang habang ika'y nag-SOSONA eh, ito namang sila Cong. Escudero (personal idol ko sa speaking hehe) ay busy rin sa paghain ng impeachment complaint laban sa 'yo!!  How could that be as soon as possible??  'Di ba malinaw, na dahil sa pinagsasabi mo kanina, nagulo na naman ang mga people of Congress kanina at napakanta na lang ng "Torn between two lovers" kasi hindi nila alam kung ano ang dapat unahin ipasa considering the pressures side by side, ang Impeachment ba o ang Cha-Cha!!?!  Halata na naman na stratehiyang pulitikal na naman ang ginawa ni Pangulo para hindi siya agarang matanggal sa pwesto!!  Dahil the majority of the house is still on the President's side, mukhang malinaw-linaw na nang konti na mananaig ang pagsulong sa Cha-Cha kaysa impeachment complaint!!  Kayo, saan ka 'yo??  At kahit hindi ako si Madam Auring eh kaya ko nang mahulaan kung ano ang pwedeng mangyari kapag mabasura 'yang impeachment complaint na 'yan, malinaw na magiging mala-Armaggedon na NAMAN 'tong Pilipinas at si dakilang Rizal ay biglang mabubuhay at magbibigay ng "Revelation" at tayo'y huhusgahan isa-isa.  At baka magkaroon na naman ng EDSA 4 o 5 na siguro pati ang tsik na Bombay sa CNN ay hindi mapipigilang matawa dahil lehitimong saging republic na ta 'yo??  At ang mas masaklap pa ehh kapag hindi na bumisita si Dao Ming Su dahil may travel advisory na ang Taiwan laban sa 'tin!!  There is a clear trade-off bet. Impeachment and Cha-Cha, one at a time lang kumbaga.  From that view alone, it is indeed clear that this ISN'T a manifestation of UNITY that our dear President wants to achieve!!  Purely utopic considering the true political issue involving the highest leader herself.  Kaya ito ang aking posisyon sa gitna ng krisis pulitikal at bilang ordinaryong pulitikal na hayup:

Ano ba ang dapat munang isulong ng Congress para sa ikabubuti nating lahat at sa ikatutulog ko na rin: Impeachment ba o Cha-Cha??  (parang katanungan ko rin 'to kung blog ba o Accounting).....  Ang bagong gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistemang pamahalaan (through Cha-Cha) ay madaling palitan kahit medyo matagal-tagal bago ma-implement nang todo!!  Pero ang pagtaksil sa demokrasya ay hindi basta-basta mapapatawad lalo na't ang demokrasya na 'to ang nagpapalaya sa bawat bansa dito sa mundo sa kahit ano mang era o panahon!!  Ang Cha-Cha na gusto mo ay malinaw lamang na stratehiyang pulitikal upang mapanatili ka sa pwesto, I don't doubt your sincerity to make our county "take-off" notwithstanding   Ung Cha-Cha na 'to ay magpapaganda sa sistema ng pamamahala ng KAHIT sino mang matinong lider, hindi ako tumututol dito, dahil nakausap ko na PERSONAL ang isang Congressman (Cong. Nachura, a never-say-die Parliamentalist) at tungkol sa Parliamentary-shift ang naging laman ng aking pagbubusi at "indeed" this system is very great to alleviate problems arising from any areas concerning governance.  Pero takte, the thing is you betrayed the very essence of democracy, you violated moral laws that really have been the major aid of any legislation for years!!  Alam mo naman kung ano ang mas malakas na sigaw ng mga Pilipino at un ay ang dumaan ka sa due process of law sa ginawa mong matinding kasalanan!  Ba't hindi mo sinigaw ang mga ganitong isyu sa SONA mo kanina??  That should be the PRIMARY issue to be addressed kaya hindi ako nagulat nang si Senator Drilon ay hindi ka pinalakpakan all through out your delivery.  Hahayaan na lang ba natin ibaon 'to sa LIMOT at maging mukhang kalokohan na lang ang naganap na pag-exercise natin ng "political right" na halos lahat ng Pilipino ay ginampanan (election lang un hehe)??  Hayaan na lang ba natin un??  Hindi natin pwede na hayaan na lang un nang basta-basta, pero ang pangarap mo sa ating bansa ay pwede mong hayaan sa iba!!  Besides I don't believe in such "monopoly of intelligence" at ika'y nangangamba kung sino ang papalit na mas matino at mas matalino pa kaysa sa 'yo.  Nandito naman ako o kaya si Chardy hehehe na binanggit ko lang dito to congratulate him kasi itong klasmeyt ko na 'to ay naging "Mr. Ideal Thomasian Economist" hehe na babakla-bakla hehe !! *peace*  To sum up, hindi dahil pumunta lang ang the Baywalk Bodies kanina sa pro-GMA rally sa Commonwealth eh mapapakain ang mga mahihirap at mabibigyan ng decent jobs ang mga unemployed, pero ang sa 'kin lang.........

pro-GMA pa rin ako

Posted at 01:44 AM by rcdarang 2 Comment(s)

Enough Punishment

Pinagalitan ang buong klase namin ng Dean ng Accountancy -- Dean toooot (baka mabasa hehe )!!  Actually, officers lang namin ang pinatawag pero siyempre kasama rin kami dun!!  Last GA kasi hindi kami umatend ng classes at un naghimutok ang lola at tinarayan ang mga officers namin!!  Sinindak kami sa 10-day suspension DAW!!  Pwede ba un??  It's too HARSH!!  We all made a mistake by our failure to attend the classes after GA, pero 'wag naman sana niyang isipin na BOYCOTT un!!  At i-label kaming LAHAT na halos walang kwenta at sabit lang daw kami sa Accounting program.  Nakwento kasi sa 'kin ng aming president na si Jenny (close kami hehe) na un nga ang pinagsasabi at talagang below the belt ang iba!!  Un pinapagawa kami ng apology letter as a result!!  Sa tingin ko wala namang suspension na magaganap kasi HINDI KAMI nag-BOYCOTT kasi kung isuspend kami, p*ta hindi na 'to tama, bukod sa malapit na ang prelims, masyadong brutal un, para kang pumatay ng ipis gamit ang shotgun!!  Kung 'yan ang pagkakaintindi ng minamahal naming Dean (na kami raw ay nag-boycott) well that's a major lapse of judgment, siguro naman MALINAW na ang lahat dahil ultimo professors on the said classes we failed to attend are NOT against us, kasi bago namin napagdesisyunan lahat ang hindi pag-attend siyempre may respeto kami sa mga professors na un at kami'y nagpaalam MUNA!!  Oo mga kachokaran nagpaalam kami FYI!!  Kaya anong boycott dun kung hindi nga na-insulto ang mga propesors na un dahil kami nga'y nagpaalam at sila'y agarang pumayag??  Sa katanuyan nga, masaya pa kaming lahat na nag-klase sa Accounting at English kanina as if hindi kami nasa bingit ng suspension at sa sobrang saya namin kami'y nagtatawanan pa!!  Pero malaki pa ring problema!!  Blacklisted na kasi kami sa office (panigurado), kaya kung magkaroon ng massive massacre sa Accountancy, kami na ang siguradong uunahin!!  Pero hindi tama ang salitang BOYCOTT sa ginawa namin dahil ang boycott ay mangyayari lamang kapag kami'y may himutok sa Kolehiyo at hindi kami pumasok dahil sa "disgust" namin sa isang sistema!!  So nasaan ang himutok namin, nasaan ang "disgust??"  WALA 'di ba (posibleng magkaroon pa lang)??  Kaya paano magiging boycott un kung kulang sa rekado para maging isa??  Isa pa, kung ang minamahal naming Dean ay nagkaroon ng slight jealousy kasi hindi siya nasama sa secret agreement namin ng mga professors for us not to attend class anymore, well ang taray ng lola may pa-selos selos pa!!  Siguro nga mali kami dahil we bypassed the office by our own UNSELFISH declaration!!  Pero not to the point of suspending us all (please).  We were already punished by your harsh words and it's enough for us to prove you wrong and if we can't prove you wrong then in all sides, you're wrong if ever the NEXT statement is true!! 

Nasaktan KAMI sa sinabi ng Dean na DAPAT DAW 6 SECTIONS lang ang Accounting, parang sinasabi niya hindi kami dapat nandito!!  Eh p*tang ina bakit mo pa kami pinasa??   Nawawalan na ako ng gana mag-aral tuloy!!  'Yan ba ang tunay na ama ng Kolehiyo??  Instead of letting us realize the wrong we did in a soft manner preferably, we realize that we are being discriminated!  Kung masyadong dinedegrade ang aming kakayahan at sabihin iresponsable kami!!  'Wag sana tayong magsalita ng tapos!!

Posted at 01:03 AM by rcdarang 2 Comment(s)