Entries for August, 2005


Blurred Horizon

I now can see my "future" beginning to collapse towards ME!!!  Patiently, I've built its foundation, why is it starting to collect a toll from me?  No matter how hard I try, still but so far, I can't find any sort of motivation to hold on, up...  I'm trying so hard to think positively but the result's so far clear that my end might be near!!!

When the "going" gets tough, am I "tough" enough to get going??  This career, I believe, isn't for me...  But, please, if it really is for ME, destiny HELP and give it to me!!  But if it's NOT, give it to the one who's WORTHY!! Still, I don't have regrets because I've tried my best, and I believe, that's the most important nonetheless...  Only regret if you don't put heavy "effort" and to all never say die! 

Posted at 01:33 AM by rcdarang 2 Comment(s)

Miracle to...

PASS!!  I need a damn miracle to pass!!  Ayoko na!!  Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling bumagsak ako sa Accounting major na 'to!!  Buti sana kung p*tang in*ng libre ang tuition ko, pero HINDI!!  Nagpapaaral sa 'kin ang mga magulang ko na todo kayod sa trabaho!!  Potcha kung may pera lang ako ngayon na kahit 1 Milyon, there's no reason for me to study the course which I DON'T ENJOY AT THE FIRST PLACE!!  Pero hindi eh!!  Wala akong pera, lalaki pa ako na kailangang may maitaguyod na pamilya sa future !!  Kung may pera lang sana, ed magnenegosyo na lang ako kaagad (balak ko kasi ang beerhouse business with GROs of course hehe), total 'yan naman ang aim ko sa buhay eh, magkaroon ng sapat na pera para mabuhay na financially-independent sa FUTURE!!  I do have THIS LONG-TERM plan supported by my short-term goals to study tom. again para lang tumaas nang bahagya ang grade ko (on my own standards na lang) and no way to hit 65 because considering the results, takte HIMALA na lang para maka 65 ako sa FINALS!!  Siguradong babagsak na ako sa Acctg A&B and I'm currently working damn hard not to fail 9 units or else I'll be kicked out in the University!!  Ultimo, non-major but a bit hard na Maths eh pasang awa pa ako, sa majors pa na ayon sa katarayan ng aming minamahal na si Dean tooot eh indicators of performance??!!  You would never even believe that I need to be rank #1 constantly in major Acctg exams, mapatawad lang.  And only a miracle can do that??  Doesn't it? 

Ehh paano ako makakaline of 9 sa mga exams ko kung ang pinakamadaling inventories na test ay NABAGSAK ko pa!!  Ang masaklap pa ehh dahil sa KATANGAHAN na ubod ng simple,, kaya bumagsak 'tong lolo niyo!  Nang pag-aralan ko ang test na 'yan, p*ta talaga dapat naka-80+ pa ako (taenang FIFO 'yan dati ka pa), from this hellish grade of 52 haaaaaaaaaaa!!    Takte talaga inventories lang kung saan makakabawi ang lahat ng HIRAP din sa Acctg, hindi ko pa mabawi-bawi (I doubt LALO na makabawi ako o ang karamihan sa receivables test)!!  Karamihan ng classmates ko halos nakangiti (iba kita pa gilagid ) dahil nakabawi na rin sila sa wakas after the frustrating Cash test, samantalang ako, mura na lang nang mura sa chair, kausap ang sarili at minumura pa dahil ako'y lehitimong tanga na!!  Hayyyy congrats talaga!!  God, perhaps, is giving me a sign not to be an Accountant in the future (baka kasi alam Niya na mahilig akong maglagay ng third balance --debit, credit, and KUPIT hehe), but perhaps He's already directing me to the field that I most like since HS days related anything to liberal studies or even psychology!!  Bakit ko ba kasi ipinipilit ang sarili ko na magustuhan 'tong Accounting eh hindi ko naman gusto??  Gusto ko siya in some aspects but not its entirety!!  Kaya ang grades ko, takte hindi siyempre entirety maski kalahatIII, mas mababa pa sa kalahati, dahil ang below half na 'yan na nakamit ko ay theoretically 'yan lang din ang na-appreciate ko sa Acctg (malamang)!!  Napakasakit kuya Eddie!!  When my efforts, as I'm currently witnessing, are going down drain, it weakens me more, so how can I cope up?  Wala na akong magagawa, I feel so depressed!!  *Trauma* na nga ako perhaps everytime I take major tests, feeling ko wala na naman akong makukuhang matinong grado kasi TANGA(careless) ako kahit alam na alam ko pa ang problem!! 

Isa akong sardinas lamang sa Accounting major na 'to ng UST na pilit isinisiksik ang malansang katawan sa lata ng orihinal na SPAM HAM na hindi nga naman (sardinas) favorite ni Velayo!!  <-- 'yan ang feeling ko, kulang na lang eh,, kung ihahambing ko sa cute na chihuahua dog ang self ko as an Accounting student wala pa ako sa kalahati ng poop niya hehe...  When one talks about one wrong Chess move, no doubt, I'm the one who'll then be checkmate!!  Debarred or not, I'll not continue anymore, in this I bid my advance adieu...  UNLESS miracles are true...  Let go, let God...   

Accounting students' post-prelims syndrome hehe  With my classmates/friends in an inuman session.  Sa sobrang dami ng nainom ko, nagsuka pa ako wahaha hindi ko na kaya muntikan pa akong hindi makauwi, badtrip kasi sa prelims na 'yan e!!

Dagdagan ko na lang 'tong entry na 'to baka kasi hindi na ako makapag-blog pa,, HINDI dahil under construction ang site ko na 'to but my future's...  Ngayon lang din ako nakahanap ng free time.  Depressed na nga 'ko nagawa ko pang magpatawa nang kaunti sa entry na 'to hehe, so mag-dradrama muna ang lolo niyo.  Wala naman akong problemang mabigat na naranasan in my earthly life DATI, pero dahil sa malaki ang posibilidad na talagang babagsak na ako, doble PA ang nararamdaman kong kalungkutan.  Ako kasi ang eldest child, kaya ako ang inaasahan na sana (God knows) na magpaaral sa kapatid kong bunso at makatulong rin sa mga gastusing pambahay.  Nahihiya na nga ako sa utol kong taga-AB-ComArts dahil siya'y DL, ako pasaway hehe.  Hindi naman kasi kami ganon ka well-off, kasi kung ubod ng yaman kami, tatawanan ko lang ang ganitong problema sa school.  Pero hindi ehh!!  Kaya kung madedelay pa ako lalo dahil sa posibilidad na bumagsak ako, sayang ang pera talaga at panahon rin!  Masakit man isipin pero magiging pabigat ako sa mga magulang ko 'pag nagkataong nangyari un.  Sinasabi ko na nga sa tatay ko na "Pa, mukhang wala na talaga!" takte ung reaksyon ba naman ng tatay ko ay hindi man lang umiimik!!  Nakakalungkot talaga na makita siyang ganyan na hindi umiimik kasi usually nagbibiruan lang kami ng tatay ko, lage nga kaming nakangiti at nagtatawanan pa 'pag nag-uusap, pero ngayon tsk tsk feeling ko pasan ko ang mabigat na mundo nila nang nasabi ko un.  Pati nanay ko ang lungkot ng tono everytime na tinanatanong ako ng ganitong banat: "Ano RC bagsak na??"  As I've said ginawa ko naman ang lahat at hindi ako nagkulang (nag-aral talaga ako), ganon lang talaga ang kaya kong maibigay, that's my only capacity reduced by my weakness of carelessness and siguro sa 1 prof, KAYA Pa, Ma, sorry talaga taena naiiiyak ako haha hindi ko kasi masabi nang diretso sa kanila ehh!  Sensya na kong nag-drama ako hehe kasi ako lang dito sa kwarto habang tinutugtog 'tong mellow songs na hatid ni Jimboy at Troy Montero hehe !!  Sige baboo na at good luck na lang sa akin at sa ating lahat!!  No need to tell me to think positive because I always do, it is just that Accounting, so far, is not for me, with the results to be considered, as I've said, God's sign is clear...  

---------------------

To share lang hehe , check out the entries on the Philippine Blog Awards 2005 here.  Very cool blogs both in content and lay-out and of course ang lolo niyo ay listed dun hehe .  Sige eun lang, matagal-tagal pa bago mag-resume siguro si Underground Scribe hehe kaya browse 2x na lang muna sa ibang blog sites sa PBA 2005 at dito rin hehe sa mga recent entries dito (suggestion lang) mas masasaya, 1 of my personal favorite entries sa sarili kong blog ay ang entry na ito   'La lang kahit ako natutuwa sa ginawa kong 'yan hehe, ewan ko lang sa iba...  Sige na baboosh na! 

Posted at 12:18 AM by rcdarang 3 Comment(s)