Entries for October, 2005


Miracles...
Are NOT true!!  After the most "busiest" semester in my college life, I finally got the result which I think is already official!!  PASADO nga ako sa isang accounting major (c&d) pero sadly I got a 5 -- a FAILURE in another major (a&b)...  Normally, if one fails in academics, one blames himself but in my case I partly blame myself and partly blame my professor in A&B that has a MAJOR contribution to my failure!!  Hindi ko na kailangan pang i-enumerate kung ano ang kanyang mga shortcomings bilang isang guro dahil dudumihan ko lang 'tong blog ko!!  Bakit nga ba ako bumagsak sa A&B??  Gusto ko man isa-isahin pero dami talaga nakakasawa sa sobrang dami, aminin ko man na may pagkukulang ako pero hindi kasing DAMI ng pagkukulang NIYA!!  Bakit ako pumasa sa C&D na mahirap din naman pero sa A&B bumagsak ako e kung tutuusin sa C&D papahanapin pa sa 'yo ung "rate" samantalang sa A&B hindi naman!!??  Ayon kay Mam Moreno na aking malupit na guro sa C&D eh ako DAW ang highest sa Final Exams sa klase pero bakit sa A&B bumagsak pa rin ako??  Ibig sabihin ba nagiging BOBO ako sa test sa A&B pero tumatalino naman sa test sa C&D??  Ibig sabihin din ba may high tide o low tide 'tong utak ko??  May switch na "on" or "off"??  KAGAGUHAN!!  I don't deserve a FAILURE only if he did not enter our classroom and then he started "joking" that he was our professor!!  Kung alam niyo lang kung gaano ka-importante sa akin ang isang mahusay na prof at kung gaano ka-critical sa 'kin ang magkaroon ng isang epektibong prof!!  Dati sa aking RECENT entries, parang nasasabi ko na HINDI NAMAN TALAGA SA PROF 'yan pero NGAYON napatunayan ko na MALI ako at dun ko na-realize that an effective prof is what I need, a lesson learned the hard way!!  'Lam niyo kung BAKIT??  Kasi MAHINA ako at kailangan ko ng prof, it's safe for me to say that it really is my weakness studying difficult Accounting lessons without first getting significant INPUTS from class!!  Everytime I arrived home from that hellish schedule of TTHS, I had felt so deprived of essential knowledge realizing at those times that I carried only garbage after class and the smell is shit!  Pasensya na kung bitter ako!!  Pero despite that bakit naman may pumasa pa sa 'min sa A&B well I could only say na maswerte talaga kayo, nagkataon lang na hindi ako sinuwerte hehe ..  Sa tingin ko naman pare-parehas lang tayo ng "efforts" pero as James Ingram sings in his song, "I did my best but my best I guess wasn't good enough."  In another light, it's OK for me to repeat this subject considering the fact that I WANT TO LEARN MORE since I had only learned the LEAST!!  Kaya nga un ang reason why a student deserves to repeat it all over again not only to master the subject but to correct deficiency.  And if you happen to be one of those who failed in A&B with this professor I was talking about, then it's a "blessing in disguise"  and it is not only a deficiency to correct but a renovation of a place that a calamity had destructed!!  To those who survived I SALUTE YOU!!  In the end, malas lang talaga at ganun talaga ang buhay hehe!!

To my classmates/friends, perhaps what I could do is to give you enough strength to cope up, 'wag niyong sabihin na, "yan c RC, wag ka na, hindi ka naman ma-dedebarrred eh"  Ano ba?? hehe!!  Wala pa rin akong kasiguraduhan (may Finance pa)!  Take it from me guys that always hold your head up high as "Speaks" has told me in his inspirational song and if life throws tomatoes on us, let's make tomato sauce hehe!!  It's my first time to fail, yes it is, but honestly it doesn't hurt me SO BADLY, because I know or we must know for a fact that we have become so serious on our choice to ultimately become a Tomasian CPA, though for "some" efforts went down drain, that's a pessimist's stand, we must be optimists, we can't reach that ultimate goal if we keep telling ourselves that we can't do it.  Never mind the "pressures" other people might say to you making us just feel insecure, close your eyes and dream and the "depressing" feeling will just fade away..  In short, with all these things I'm saying, here I come, PSYCHOLOGY MAJOR wahehehe!!

 To my classmates/friends, dahil ngayon lang 3rd year ako nagkaroon ng pinaka-maraming bonding, inuman session, etc. masakit sa akin ang hindi na tayo muli magkakasama nang BUO, pero no matter what happens our bond should always be strong and even stronger, God bless and good luck to all of us...

 Sole reason why I'm having a hard time in UST-Accountancy

The top performing schools in the October 2005 Certified Public Accountant Licensure Examination classified as follows are:

A. WITH 100 AND MORE EXAMINEES
RANK SCHOOL TOTAL NO.
OF EXAM. TOTAL NO.
PASSED PERCENTAGE
PASSED

1 University of Santo Tomas 175 150 86.00%
2 Pamantasan ng Lungsod ng Maynila 149 53 36.00%
3 Far Eastern University - Manila 107 37 35.00%
 

Posted at 01:45 AM by rcdarang 1 Comment(s)

Funny Religion
Simula pa lang nang napanood ko ang palatuntunan ng Iglesia ni Kristo sa TV tungkol sa mga dating ADD (Ang Dating Daan) members na nagpa-convert na sa "tunay" na Iglesia at ang pamagat ng palatuntunan nila ay "Dati Nasa Sumpa, Ngayon Nasa Tama" kung hindi ako nagkakamali, AY nagkaroon na ako ng kaliwanagan na kung bakit katawa-tawa 'yan c Eli Soriano ng Dating Daan.  Ewan ko ba kung bakit may naniniwala pa sa "pantas" na 'to na kahit hindi ako taga-Iglesia ay ako'y naliwanagan kung bakit naging "sentro" sila ng katatawanan dati sa Bubble Gang sa kaanyuan ni "Brad Pitt."  Hindi ko naman mapapanood ang mga ganitong palatuntunan kung hindi ba naman nilipat ng cable operator namin sa mas mababang channel ang dalawang TV station na nagbabanggaan ng relihiyon, isa sa Iglesia, isa naman sa ADD!!  Dahil nga nalipat at magkatabi pa, sinubaybayan ko sila kasi wala rin akong magawa at pinakinggan ang bawat panig at ang mga pinagmamalaki nilang mga aral mula bibliya.  Ang bibliya sa 'kin (sa ngayon, kahit hindi ako madalas magbasa) ay malaking tulong lalo na sa mga taong tila wala ng pag-asa sa buhay o kaya nama'y para rin sa mga taong hindi makita ang tunay na kahulugan nito.  Ang bibliya kapag binasa lalo na ng isang tao na nakaka-relate sa pinagsasabi ng isang berso ay talagang nakakaiyak at from that moment on ay paghuhugutan ng pansamantalang LAKAS!!  Totoo, hindi man ako nagbabasa ng bibliya, pero ang berso galing Mateo na "Sa Diyos, walang imposible" ay talagang paghuhugutan natin ng lakas lalo na sa 'kin nang nalaman ko na bagsak ako sa isang subject sa Accounting, 'yang aral na 'yan sa bibliya ang unang pumasok sa isipan ko.

SUBALIT, nang ibahagi ng mga dating taga-ADD na ngayon ay nasa tunay na Iglesia ang isang "hirit" ng dati nilang lider sa Dating Daan na si Bro. Eli Soriano ukol sa isang "pag-dedebatehan", tila ata NAWALAN, pansamantala lamang, ang paniniwala ko tungkol sa tunay na "essence" ng bibliya para sa sangkatauhan, dahil ako'y humalakhak lamang at sinabi sa sarili na "sino ba 'tong lokong pantas na 'to na GINAGAGO ang turo ng Diyos??"  It makes me proud to be a Catholic dahil kontra-kontra rin ang mga banat niya.  Kaya imbes na paniwalaan ko ang GAGONG un e minarkahan ko na lang siyang "komedyante" sa utak ko.  Wala talaga siyang pinagkaiba sa mga komedyante natin ngayon tulad ni Bayani Agbayani, Joey Marquez, at Dagul!!  'Lam mo ba kung ano ang laman ng 1 sa maraming talakayan nila??  At para mapakita na rin ang sinasabing "kontradiksyon" ni Soriano.  Tungkol ba naman sa nakakapagpabagabag na katanungan kung may PUWET daw ba ang Diyos??  Sus me, pati ba naman un pag-uusapan pa.  As in duh, overloaded na nga tayo sa "information" dala ng IT age at lunod na sa hirap, lubog na sa utang ang ating bansa, bagsak pa ako Accounting, proproblemahin pa 'yan!!  Nakakawalang gana talaga basahin ang bibliya kapag ika'y NADALA sa mga kagaguhang banat ng pantas na 'to!  Ito ang detelyado nilang talakayan:

Kontradiksyon ni Eli Soriano ng Ang Dating Daan ukol sa may PWET daw di' umano ang Dios

Eli Soriano: (Ang Dating Daan lider) "At sinabi ng Dios, lalangin natin ang tao sa ating larawan ayon sa ating wangis. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kanyang sariling larawan ayon sa larawan ng Dios nilalang 'nya. Nilalang niya sila na lalake at babae.O, kung ikaw naniniwalang nilalang ka sa larawan ng Dios, kung me' puwet ka tatanggapin mong me' puwet ang Dios"

Eli Soriano: (Ang Dating Daan lider) "Kapatid ganito 'yan eh, hindi naman ang ibig sabihin nilalang tayo sa larawan at wangis ng Dios eh eksakto na tayong 'yong ating physical being eh 'yon ang being ng Dios 'yung hitsura natin 'yan ang hitsura ng Dios. HINDI NAMAN PO LITERAL 'YONG SALITANG "WANGIS" AT "LARAWAN" NG DIOS EH. HINDI IBIG SABIHIN, LAHAT NG MAKIKITA MO SA TAO, EH MAYROON ANG DIOS. Ibig mong sabihin ang Dios ay may sex organ? Ganoon ba ang ibig nating sabihin dahil sa nilalang tayo sa wangis ng Dios? At ang ibig mo bang sabihin ang sex organ ng Dios ay dalawa, isang lalake at isang babae? Ay, napaka-maling interpretasyon noon."

Ang tunay na pantas ng Ama ay hindi nagpapatawa mga kaibigan!!  Na bawat aral na nakasaad sa bibliya ay DAPAT kilatisin ay hindi TAMA!  Basta nilikha tayo ng Diyos sa kanyang larawan at wangis PERIOD!!  Bakit pa kailangang pag-debatehan kung may puwetan daw ba ang Diyos??  Sus me!  Pambabastos lang 'yan!!  Sabay kontra pa!!  'No ba yan??  Wala talaga sa ayos ang ibang tao sa mundo at 'pag pumalakpak pa si Soriano ay parang nag-chichicken dance...

Posted at 01:21 AM by rcdarang Comment?

One Year Blogging

Aside from Oktoberfest, ang buwan na 'to para sa 'kin ay memorable especially ngayon na gumagawa na naman ako ng panibagong "entry" sa blog na 'to.  DAHIL, I "somehow" celebrate my first year of joyful blogging experience.  Yahoooo !!  Medyo naalala ko pa kung kailan akong eksaktong gumawa ng VERY FIRST entry for my blog, October 18 un if I'm not mistaken..  But no matter what the "exact" date, it is not MATERIAL as long as it is "still" October and let me reminisce it through sharing to you all that "me and my blog" turned a year from now (somehow now).  So what basically drives me through "blogging" out my experiences for a year??  Nagsimula ang lahat nang ako'y na-reject ng aking nililigawan and at that time nobody's for me YET to have some sort of a "shoulder" to cry on and I saw the PC and started typing that painful experience on Notepad, but what's the sense, typing it all out in the Notepad, does Notepad have ears or eyes??  As much as possible I want the whole world for me to make "it" a BIG shoulder to cry on and that's why I started, at that day, to convince myself finally to get a blog host and blog that painful experience all out!!  Perhaps without that experience, I must haven't started blogging!!  And so it continues.  I blog not everyday but "often" enough for me to share basically what's goin on with my life.  I can say that within a year, it's fun to blog, increasing bloggers in the world will definitely agree with me!  You really can't describe what the "real" feeling of blogging especially on my case that my "blogging" actually turned a year now which moves me to a further realization how time has passed for me!  So aside from that "heart-break experience" which has driven me to blog, what else??  As I blog, I have learned many things especially on "designing" my blog site.  So from that I could safely say that my experience in HTML drives me to blog PLUS my expressive self, of course which is the most essential of all!!  My grammar somehow improved, which is but secondary hehe !!

HINDI sa Tabulas ang "pinaka-unang" blog host ko, it was on Livejournal.  Nakakahiya mang ibahagi pero sabihin ko na dito kung sino talaga ang "pinaka-inspiration" ko why I started blogging especially blogging in "Livejournal."  May pagka-stalker kasi ako eh hehe  kaya binabasa ko ang entries ng crush ko sa Friendster sa Livejournal na si miniballerina.  'La lang naman crush ko lang siya kasi cute siya (taga-Miriam Accountancy rin course *ata*), hindi kami magkaibigan, hindi rin kami magkakilala, but she has been on my Friendster list which I myself don't know how she came out from that list.  Basta un na un, kaya nagkaroon ako ng "idea" how she has enjoyed blogging and I had been curious about how it feels like to be on her shoes, especially also an Accounting student who has LITTLE time for this "petty" somewhat unimportant thing called blogging!  Pero nakita ko 'to si Tabulas, na mas better ang "features" especially ung tag-board feature dito, at dahil walang tag-board sa Livejournal, agad akong lumipat sa Tabulas.  Wow pare, though features in Tabulas are whole lot better than those in LJ, making your OWN template in Tabulas at that time is NOT EASY, it really requires lot of time for us to get the "twists" of it, sometimes it really had been a frustrating experience of after the tiring "templating" it would just turn out not the way you expect it to be.  MY GULAY!!  Pero hindi sa pagmamayabang pero mabilis na ang pick-up ko sa mga ganyang bagay kasi may basic knowledge na ako sa HTML kaya hindi masyado nakain ang oras ko sa pag-aaral kung paano gumawa ng sariling design .  BUT, like a quicksilver businessman, Roy of Tabulas has made 'templating' user-friendly NOW kaya hindi na mahirap ang mag-code sa paggawa ng sariling template unlike before.

HINDI lang siyempre puro "AKO" o natuto lamang ako sa sariling blog, siyempre nakakatuwa rin ang magbasa ng blog ng iba pa.  Whew how I have enjoyed reading others' lives, it really is "worth" the read, I'm admittedly NOT lazy reading even long entries as long as it triggers my curiousity right from the very start.  Lalo na from the fact that the existence of blog hosts that offer free blogs is enough opportunity to "others" who don't have yet HTML skills.  Dati rati kasi nung 2nd year HS pa ako (5 years from now w/c is a bit long time), wala pang "blogging" fever at nung time na rin un, kapag marunong ka ng HTML, nerd ang tawag sa 'yo.  Kaya "nerd" ako nun kasi ako ang isa sa mga KONTI na marunong gumawa ng isang full website with just "simple" design and everything at that time.  KAYA naman, grabe ang mangha ko nang biglang dumami ang population ng mga "nerds" at nagsulputan ang mga henyo sa HTML ngayon, ung iba pa nga nagpapa-conduct pa ng mga mini-tutorial kung paano mag-sentro ng table, maglagay ng sounds, at kung anu-ano pang issue tungkol sa paggawa ng website design FROM SCRATCH!! Dumami na rin ang "PIRACY" sa mga codes dahil sa free source naman 'to at walang malinaw na "intellectual property" kaya dumami na rin ang mga so-called na KAMBAL blogs kasi parehong-pareho ang design, iba nga lang ang entries na laman hehe !!  Pero despite that, it came from one root, that is what I'm talkin' about -- blogging existence.  Kung wala 'to, mananatiling on-demand na trabaho ang web development pero ngayon ibang-iba na, kung ihahambing sa economics ang mga pangyayari hindi na communist community ang WWW!  Sa mga kumukuha naman ng codes ng iba at lalo na kung alam mong henyo ang gumawa (so definitely original), maging MAGALANG lagi at magpaalam, wala namang problema sa ganon 'di ba??  Masakit lang talaga sa damdamin ng henyo ang angkinin natin ang gawa niya o i-credit ang may gawa ng lay-out!  My current lay-out, to share, is a simple combination of various influences from the color combination to the actual lay-out itself at pinagsama-sama ko lahat at ako na mismo ang nag-code from scratch with these so-called influences in mind.  Parang sa isang kanta, ako ang "arranger"   Kung tatanungin niyo kung original ba ang lay-out na 'to, siyempre hehe, 'pag sinabing influences, parang original song lang 'to na naimpluwensiyahan o inspired ni Lito Camo...

Tungkol naman sa entries, marami na rin akong nagawang entries, marami-rami rin ang binura ko last January, 'la lang I just felt a need to start all over again, kaya ang mga entries ko ngayon dito from January na lang at bura na lahat ang prior that period.  Halu-halo entries ko parang encyclopedia na nga dahil versatile e hehe .  May tungkol sa pulitika, philosophy, psychology, love, humor, personal, achievement, fall, at kung anu-ano pa!  Wala nga lang tungkol sa Accounting <--  asa pa 'tong may space sa blog ko hehe .  Pero kung gusto niyo akong gumawa ng entry topics related to Accounting katulad ng, "Tips para hindi magoyo ng tindera tungkol sa deposito sa Coke litro" kasama na rin ang ukol sa Accounting din na "Why It's Hard to Give Value to Services Rendered" just leave a message hehe !!    

In the end, with my 1 year of blogging experience, it really is FUN!!  Nakakahawa parang tawa hehe .  So why don't you give it a try and wait for your first year and you'll know how it feels like??  BUT, of course, I can't blame other friends of mine or people in general especially with the age same as mine why they FIND blogging not enjoyable.  If you are the kind who struggles to find the right words to express yourself clearly, blame's on nobody.  Yet still, try to tell the whole world your rise and fall, your gratitude and angst, your freedom, your joy, your know-how and even share non-sensical things like your dog just died and even annoying things of criticizing the judgment of others and YEAH it feels good "learning from each other" in this world we call blog.  HAPPY BLOGGING TO ME and to all!

 

 

 FROM: The Underground Scribe with a new AFRO-look with love

 


Posted at 03:04 AM by rcdarang 3 Comment(s)

Parting Time

-- JPIA'S INTEGRATION NIGHT AT RATSKY'S  --

Yesterday, I, together with my classmates/friends, went to Nagcarlan, Laguna at hulaan niyo ginawa namin dun hehe ??  We went 'outing' like others always do during breaks.  We had so much FUN!!  Enjoy wohoo.  We went to a 'relaxing' beautiful mountain resort -- Casa de Tobias.  Hay, sarap ng bonding moment namin dun at siyempre ung favorite part ko sa lahat ang inuman hehe (hindi swimming e no hehe??).  We really had a hard time finding where the exact resort is located but it was fun finding your way IN, feeling lost.  In the resort, we swim, play pool, darts, sing, cook, talk, drink basta kung anu-ano pang trip sa buhay ma-utilize lamang ang bawat segundo ng aming somewhat HULING samahan.  It is very IRONIC na kung kailan pa nasa "majoring" na kami at Accounting pa, sa taong ito ako nagkaroon ng maraming gimik and all these were finally concluded during our outing yesterday.  We had overnight, sharing further..  ANG SAYA sobra at sa tingin ko mauulit pa hehe, sana mas marami na kami!

3A7, proud to say, is no doubt, if not the coolest and so far, is ONE of the coolest sections in the batch of 3rd year students in UST-Accountancy!!  As always, it's very SAD of course for me to say that many of my classmates (including me) FAILED units and some are already debarred from the University and got so emotional about this fact.  IBA talaga ang pakiramdam if you become witness of mixed emotions because after FUN from the pool it became eventually sad when we went to bed.  Siyempre, hindi kami kaagad natulog, nag-inuman kami ng mga lalake at siyempre usap-usap at ang iba nama'y nasa kwarto, kwentuhan din.  Siyempre, hindi maiwasang pag-usapan kahit masakit sa iba ang topic tungkol sa BAGSAK.  Sawang-sawa na ako sa mga walang katapusang mga payo ng bawat isa at dahil dun hindi na lang ako nagsasalita para magbigay pa ng payo.  Siyempre, kung ako nga nagsasawa na sa mga payo, sila rin 'di ba??  Tungkol naman sa pagbibigay ng "payo" sa mga depressed, mas MAINAM kung tatakbo ka sa taong may problema ring katulad sa 'yo kasi un ang taong hindi ka lang maiintindihan kundi magkakaintindihan pa kayo.  So much for that!  When I arrived home, I slept kasi kulang ako sa tulog..  Then I just woke up to see my grades online kasi meron na!!  What a very sad FACT when I just saw my grades online and thankfully I got NO 3 pero 5 meron hehe!!  Malungkot kasi, despite sa hirap ng mga subjects sa major na 'to hindi lang ako pasang-awa, talagang kita ang effort, pero un nga lang NABAGSAK ko pa ang isang major, sayang pumanget na tuloy ang records ko.  Just to share, dahil pre-requisite 'tong nabagsak ko, WALA akong Accounting subject na makukuha this coming sem aside from my deficiency at un ung nabagsak kong kailangang ulitin.  At DAHIL din, may summer talaga ang Accounting program sa amin may bagsak ka man o wala, it only means 1 thing that I'LL BE FURTHER DELAYING MY 'STUDIES' FOR A YEAR!!  Meaning, 5 years na ang kurso na kinuha ko instead na 4 years lang dapat.  KAYA sa mga pumasa, givin' you already an idea that it's so hard to fail (since that consequence is for real) even one major subject, kaya galingan niyo and I CONGRATULATE all of you because you have hurdled one of the hardest 'bar' in this Accounting program (probably the hardest because of the adjustment period plus the so-called double Accounting jeopardy -- two six units).  Kung ako tatanungin, tapos na ang depression era ko sa minuto ng pagluha wahaha (drama king ) so I just will pray for my friends for them to cope up because some of them find it hard accepting the fact.  

Iba kasing mga magulang nila baka hirap matanggap ang pagkabagsak ng kanilang mga anak, but luckily in my case, they really love me and they put no BLAME on me kasi sabi nga ng tatay ko nakita naman daw akong nang-uubos ng kape sa bahay namin hehe.  It became somehow "compensated" when my brother is still a Dean's Lister and he finally decided to throw his heart over the bar and accept the thrill by applying for scholarship.  He knows for sure na naghihirap kami at kanina nga lang hindi siya nakapag-enrol kasi kinapos kami ng pera, wala kaming pambayad kasi sa phone huhuhuhuhu , hehe.  BUTI na lang hindi ako regular kasi kong regular student ako, mamaya enrolment na ng mga regular at wala rin akong pang-enrol, at ang enrolment ng mga irregular na kasama ako ay sa November 3 pa.  Ung iba bukas na may 9 units or more na bagsak ay i-fifinalize ang probation but if you'll exceed 12, waiver ang tawag.  HINDI ko na lang explain hehe, wala rin namang patutunguhan kung explain ko pa BASTA, kailangan nila ng ganun kasi legally debar na sila, BUT the Department, out of humanitarian consideration (kuno), find means to help those people not to be kicked out the University, but those who exceeded 12units of failure, debarred na sila and they need so-called waiver for them to waive or not the right given to them of correcting still the deficiency in UST, but whatever they do, they will not be anymore graduating from the course in UST!  Gagi inexplain ko rin hehe !!  Well, that's life, and it's for a reason...  My father's motivation/encouragement is ENOUGH for me to continue this battle I had decided to fight 'till the last breath.  After I said this words: "WALA NA AKONG KARAPATAN PANG BUMAGSAK MULI" ay hindi na ako magsasalita ng puro failure sa blog na 'to to cheer me up and to think positively thus avoiding stress hehe!!

In the end, maraming advantages ang magkaroon ng BAGSAK sa studies man o sa buhay in general, mahirap din kasi kung puro ka pasado sa anumang bagay, never experienced trials in life and therefore you tend to be afraid from the thought alone of how you will be able to get over it when that gloomy moment comes kasi you haven't experienced still the other extreme.  Si Einstein bumagsak sa UNA, pero ano siya hanggang sa ngayon? May element ngang pinangalan sa kanya eh.  Si Bill Gates, isa pa, hindi nagtapos ng kolehiyo pero sino ang nagpangalan sa kanya bilang world's richest man on earth? Mga business magazines.  Siyempre hindi mawawala ang idolo kong tatay, na take 2 niya ang Remedial Law noong law student pa siya pero ano ang nakuha niyang percentage sa actual bar exams?  90+ (sa remedial law lang ha hehe)!!!  Anong sikreto nila??  Whatever fate already had been designed FOR me, bad or good, it will never be a hindrance to whatever success!!  Success in life is far different from success in academics, it is but a part and you'll surely agree with me kahit sabihin pa ng iba na 'yan ang motto ng mga BAGSAK hehehe !!  Napapanood niyo ba sa Olympics ung sport event na 100-meter hurldles, ung "takbuhan" na may tatalunang harang???  Wala kang makikitang atleta na kabilang sa event na 'to ang tumitingin sa barikada, 'di ba??  

Don't keep your eyes OFF the goal, be aware there are hurdles, but don't ever look at them...

I sincerely apologize to my prof from my previous entry about my bitterness to him because of my failure, hindi niyo rin kasi ako masisisi kung TALAGA namang directly-liable siya sa failure ko kahit hindi WHOLLY, pero "sorry" pa rin, and if you(my prof) finally realize na ineffective ang teaching mo, ALSO feel sorry kasi nagbayad kami at hindi biro kung paano nakakuha ng pera ang mga magulang ko makapagenrol lang... 

    

Posted at 02:25 AM by rcdarang 4 Comment(s)

Si Puso at Ako

Walang magawa si AKO kaya't minabuti niyang pakinggan ang kanyang PUSO kasi may narinig siyang lyrics sa FM station kanina na nagsasabing, "Listen to your heart" kaya eun pinakinggan ni timang!  At bigla siyang nagulantang nang biglang NAGSALITA ITO!!! 

 
Puso: Oist, ako, kumusta?  Tila ata nakikinig ka sa akin ha and since you've been a good listener, it's time for me to shine and finally speak!

Ako: *gulat* taena nagsasalita ka, akala ko konsensya ko lang ang marunong, pati ikaw??

Puso: Siyempre naman!  'Yan si konsensya, nanunumbat lang 'yan kapag mayroong event sa buhay mo which concerns morality, halimbawa lang makikipag-engage ka sa pre-marital sex, siya ang dapat pakinggan, pero ako, hindi mo lang alam, ang pinaka-importanteng parte ng iyong kabuuang pagkatao!

Ako: Alam ko at alam ng karamihan 'yan pero since ngayon lang kita nakausap, matanong lang kung bakit ganon ka na lang KAHALAGA sa kabuuang pagkatao ng isang tao??

Puso: Seryosong usapan 'to tsong, kaya may alak ka diyan??  Sabi kasi nila good for the heart daw eun ehh, tagay naman habang nag-uusap tayo, oks lang ba??

Ako: Sige kuha lang ako *kumuha alak at nag-straight si Puso*

Puso: 'Lam mo tsong *gulp* naiinis na ako diyan kay UTAK kasi siya na lang parati ang ginagamit mo!  Hindi mo ba 'lam na kaya ko minabuting umepal at kinausap kita kasi you know, ako, that I've been IDLE for years, hindi mo man lang ako ginagamit, o sadyang hindi ka lang marunong gumamit sa sariling puso??  Overloaded na rin ako, andami-dami mo naman kasing pinaglalagay dito na hindi mo naman talaga mahal, e nakita mo lang kanina na magandang tsikas iilagay na kaagad dito, hindi naman tama un...

Ako: 'Lam mo, kung si konsensya ko nagtampo sa 'kin nang minsan ko siyang nakausap, ikaw naman seloso!  Hay, how unpredicatable both your actions have been!  Tsaka sorry ha kung na overload ka, na-overwhelm lang siguro ako.  'Lam mo puso hindi ibig sabihin na kapag lagi kong ginagamit si utak eh bale wala ka na sa 'kin.  I think you don't know na hindi magkakaroon ng gana si utak na gumana nang husto kung wala ang tulong mo!!

Puso: Ow??  Is that fo real??

Ako: Uo naman!  Sa "struggle" ko sa school halimbawa, hindi naman magsisipag si utak na gumana kapag hindi mo ito sinabihan na "gumana ka naman!!  kailangan ni ako ang pagkakaisa natin!!"

Puso: Ow??  Nasabi ko ba eun kay utak??

Ako: 'Lang 'ya!!  Kala ko pa naman si utak lang ang nagkakaroon ng amnesia!!  Pati ba naman ikaw??

Puso: hehe, unga naman, heart-break lang pala ang huling diagnosis sa 'kin, yah I remember so well!!  Sorry, I've forgotten..

Ako: Pero, puso, ikaw rin ba ang tanging kasagutan sa bawat lumbay na nadarama ng tao?

Puso: Uo naman, maliban sa guidance counselor at mga trusted friends, ako ang tanging kasagutan!  Bakit mo naman natanong 'yan, malungkot ka ba??

Ako: HINDI naman hehe !!

Puso: 'Lang ya, nag-switch na ako sa senti mode, tapos iibahin mo bigla, tama talaga ang sabi nila na LOKO ka hehe!

Ako: HINDI naman ako sobrang lungkot pero kailangan ko ng tulong mo!!  Oks lang ba na bigyan mo ako ng kapuso advice kasi nakatanggap na ako ng kapamilya advice eh??

Puso: Sorry, tsong, hindi naman ako si mata e para ma-evaluate ang mga tsikas na iniistok mo sa Friendster!!

Ako: Gago hindi eun ang gusto kong maitulong mo sa 'kin, iba!

Puso: E ano??

Ako: Matanong ko lang kung totoo ba ung kasabihang, "everything happens for a reason?"

Puso: Totoong-totoo!!  Aba, tungkol 'yan sa FAILURE 'no?? hehe.  Sabi na nga ba 'yang usapan na 'yan e parang kanta ni Evanescence -- IMMORTAL.  Wala na bang katapusan 'yan??  Sawang-sawa na ako ah.

Ako:  Uo tungkol nga dun.  Ako rin sawang-sawa na akong pag-usapan 'yan kahit isipin man lang pero dahil ngayon lang kita nakausap, alam kong sa 'yo LAMANG manggagaling ang pinaka-sweetest encouragement na matatanggap ko dahil ikaw ang pinaka-makina ng sasakyan ng buhay ko magpakailan man..

Puso: Salamat tsong, pero seryoso ka sa sinabi mo mukhang may tama ka na rin ah hehe??  'Lam mo isa lang masasabi ko sa nadarama mo ngayon.  Hindi maiiwasan ang depression lalo na kapag alam mo naman na ginawa mo ang lahat maisakatuparan lang ang pangarap, sabay BIGO.  May tinatawag sila na Beginner's Luck kapag maglaro ka ng baraha halimbawa ika nga ni Paolo Coelho, pero hindi "palagi" ikaw ang PANALO, kasi kung ikaw lagi ang panalo as in LAGI-LAGI forever duh, you tend to believe that the Universe conspires totally and only to your favor which is damn not rational..  Try to think of it na kapag ikaw lagi ang nananalo at hindi pa natatalo, gaganahan ka pa ba maglaro muli??  MALAMANG HINDI NA!  'Di ba tsong it's a natural tendency for human beings na kapag natalo sa isang laro, gusto pa ng re-match?  Tulad ni Pacquiao kay Morales, tulad rin noong bata ka tuwing binuburot ka sa tumbang preso, tapos 'pag may nataya ka, sabihin nilang "ayawan na" 'di ba nakakaburat??

Ako: GAGO pinagkalat pa hehe !!

Puso: Ganyan tsong ang buhay, you can't have it all, panalo ka man sa isang bagay, talo ka sa isa!  Life's sometimes a gamble, you sometimes play it for chance, but it's still a game, and you must know how to play it ika nga ni Triple H sa wrestling.  You must accept defeat or failure whole-heartedly, it's not just a part of the game but a MAJOR part of it.  Come to think of it na sumali ka sa isang laro, sumali ka kasi 'lam mong mag-eenjoy ka at higit sa lahat kapupulutan ng aral, at hindi na ako magtataka kapag tinawanan ka ng mga kalaro mo kapag sa huli bigla kang natalo at UMIYAK at sabihin sa 'yo ang merciless na katagang 'to: "hahahaha tanga pa la 'tong iyakin na 'to e naintindihan niya ang rules ng laro sabay hindi niya naintindihan na talagang may matatalo!!"

Ako: Uo nga no!!  Buti walang tumawa sa 'kin hehe..

Puso: Tandaan tsong na parang sa Accounting lesson lang 'yan sa Leases eh, if you know the rewards you must equally be aware of the risks...  In the end bre, there's only one thing in this world that makes a thing IMPOSSIBLE to achieve -- FEAR of FAILURE ika nga ni Coelho!!  True that tough days will never last but tough guys LIKE YOU will...  Lalo na kaming mga puso, sobra ang tapang namin, kita mo kapag nagkakaroon ng heart surgery, si utak ang nababakla...

Ako: Hay naku, grabeh kapuso, hindi nga ako nagkamali sa 'yo, you're the best adviser I could ever have!!  I'm so thankful for what you've just said, I'll share this to others, so that they will cheer up and be enlightened not to channel defeat to something negative.  What a great motivator..  Hay, ei nandiyan ka pa??

***  PUSO nakatulog bigla lasing na ***

Posted at 04:56 AM by rcdarang 1 Comment(s)