Simula nang na-hack dati ang Tabulas, naisipan kong LUMIPAT na sa wakas ng bagong tirahan. Gusto ko ulit mag-Livejournal sa kadahilanang malamang hindi alam ng mga HINDI addict sa blog hopping--maraming magagaling magsulat sa LJ!!! Gusto ko lang tumira sa LJ hindi dahil magaling din ako kundi para makisama haha... Pathetic ba hehe?? Biro lang. Seryoso, gusto kong mag-WordPress sa kadahilanang malamang hindi alam ng mga HINDI addict sa Computers--opensource blogging tool!!! PERO, wala akong sariling domain para i-setup sana ang pangarap na WP blog. Kaya pansamantala lamang akong nanirahan sa Tabulas at natuto sa mga huling araw na 'to ang gumawa ng layout. Hindi ko maitatanggi na napamahal na sa 'kin ang blogging at parte na dito siyempre ang Tabulas bilang aking tahanan sa loob ng mahigit isang taon NGUNIT simula nang na-hack nga ang Tabulas, naisipan ko na medyo hindi SECURED ang pamamalagi ko dito habambuhay sa simpleng kadahilanang ISANG TAO lang ang nagpapatakbo nito... Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanyang angking kagalingan pero 'di ba matalino man ang mantsing, naiisahan din?? Dahil ISANG TAO lang nga, hindi malabong mawala ang buong database ng Tabulas kung sakaling siya'y manakawan ng PC... Kaya, praktikal lang kaya naisipan kong mag-lipat bahay...
Mahirap sa 'kin ang mag-lipat bahay. Isang bagay ang nagpahirap sa 'kin at ito ang katanungan sa sarili kong ako ba'y magsusulat na lamang o mag-didisenyo pa rin ng website... Sa pamamalagi ko sa Tabulas, ako'y natutong gumawa ng website at magsulat na rin(mag-type na rin gamit ang tamang mga daliri na walang tingin hehe). Dahil ako'y isang Accounting student sa paaralang walang awang kumakatay, ang mag-patuloy pa sa pag-disenyo ng website ay tila PANSAMANTALANG hindi ko muna magagawa... Kaya ako'y nagpasya na HINDI MUNA MAG-ARAL PA sa paggawa ng isang matagumpay na website, kaya para saan pa ang pamamalagi ko sa Tabulas??? Sa pag-sulat ba?? TAMA. Mawalan man ako ng oras sa sobrang BUSY ay hindi mawawala ang aking hilig sa pag-sulat. Kaya kung susuriin ang mga bagay na kasasabi ko lang, dito UNA mapupunta: Anong magandang tirahan na puwede kong paglipatan na HINDI na kailangan pang gumawa ng pahirapang TEMPLATE para sa blog?? MALAMANG MARAMI kahit sa Tabulas nga meron e!!! Pero problema nga lang 'pag may nakikita akong CREATE OWN TEMPLATE or something like that, I don't why I can easily be tempted... Dahil hilig ko nga ang magsulat, anong matinong pwedeng paglipatan?? LJ nga 'di ba?? Puwede, pero dahil man has unlimited wants sabi nga sa basic Economics, ano pa bang pwedeng paglipatan hmm?? AHA. Ung mukhang paid domain o professional-looking domain PERO LIBRE... Sa wakas, I believe it's destiny that brought me here, sa aking bagong tirahan na no doubt HINDI LANG maganda ang itsura ng domain name ang LUPIT pati ng blogging features dito, siyempre to suit what I need as of now--NO HARD-CODING, goodbye muna dito hehe... Sakay na sa bago kong tirahan and don't forget to update your links...
Post-script: This Tabulas blog will still be open until its "closure" roughly by end of April. This 68th entry has just made history being the LAST...
Posted at 01:41 AM by
renin (guest)