Witness ang aking nanay at tatay sa mga ka-SLACKERAN o katamaran na ginagawa ko sa bahay. Pero kahit na may pagka-tamad ako, based sa aking "saying" sa header ng blog ko, it's not what I must do now, it's what I'll do next. So let me expound that one hehe. Oo, lahat ng tao may angking katamaran, un nga lang ang mga taong katulad ko ay nasobrahan. NGUNIT, hindi naman ako ung klase ng tao na hindi na talaga mag-aaral para sa test kinabukasan, pero mahirap pa rin kasi sa maraming nasayang na oras, hindi na naging SUFFICIENT ang kaalaman(wow, poet haha). *kagat ng cheap na hamburger* Guys, siguro naman marami nang nakapagsabi sa inyo na BE CONFIDENT *huy Aldred ng PBB magbasa ka hehe* Pero bilang lamang ang makakasagot kung saan nga bang palengke nabibili 'yang confidence na 'yan at nakakalungkot isipin na wala pa atang tao dito sa mundo ang kayang ipamukha sa 'yo(minsan lang) na ang angking CONFIDENCE(ano ba tagalog nito?) ay galing sa mabangis na PREPARATION(pati ito?). At the first place eherrrmmm, bakit pa ako nagsusulat tungkol sa CONFIDENCE at ano nga ba ang kaugnayan nito sa pagiging BAGSAK ko sa aking mga tests sa Accounting?? GAGIII, TANG 'NA, BABAGSAK NA NAMAN YATA AKO SIYETE. Buong buhay na ata akong magaaral wahaha sa sobrang delay. 'Yan na ang tanging kasagutan *kagat ng ikalawang cheap na hamburger sabay inom ng juice* Well, seriously guys, madalas akong hindi makasagot sa exam kasi nga hindi ako confident at bakit nga ba? Kasi nga kulang ako sa preparation. Dahil sa katamaran ko, hindi sapat ang buong gabi para aralin ang prelims na kukunin kinabukasan ng umaga. Dahil dito, tentatively 58.5 ang prelim grade ko sa MS(average na ng mga quizzes un at prelim exam, wala pang transmutation) eh ung mga kaklase ko, ewan ko ba kung paano magaral ang mga 'yun, mga halimaw, nakakapasa sila, e sabi naman nila tamad din sila. At ewan ko ba kung bakit mas hirap ako sa FS, samantalang maraming nakapagsabi sa 'kin na mas madali pa ang FS. Kumusta naman un! Bakit ba, ano bang ginagawa ko sa buhay at nagiging bungi-bungi ang practice ko sa pag-solve ng mga Accounting probems?? Tungkol sa WWE and PBB ba??
(Read More)
Posted at 04:28 PM by 

